No, not this one. |
Ang tinutukoy ko ay ang lungsod ng Puerto Princesa sa lalawigan ng Palawan. Matagal na ako interesado sa Palawan dahil sa mga nakikita ko sa TV at intarnets na mga kagubatan at karagatan at mga hayop at halaman dito. Sabi nga nila, Last Frontier na daw ng Pilipinas ang Palawan dahil ito na lang ang hindi pa natitirhan ng malawakan. (At di ko maintindihan kung bakit pag naririnig ko ang "Palawan" ay ang naiisip ko ay... pawikan). Dahil sa mahilig ako sa nature (kahit takot sa dagat), eh Palawan talaga ang gusto ko marating sa Pilipinas. Isang araw, natupad ang pangarap ng yun dahil sa isang mala-tadhanang pangyayari.
*sound effects*
March 15, 2011 - sa isa sa mga normal na araw sa opis ay tumawag ang aking kasintahan (wow!) na si Leslie. Buong kagalakan nyang ibinalita na 70% off daw ang PAL (Philippine Airlines) sa araw na yun dahil sa anniversary nila. San ko daw ba gusto pumunta? "Palawan", sabi ko. Eh gusto nya rin pumunta dun. Kaya ayun, agad naghanap ng flight at nagpa-book ng araw na yun. Wala pa kaming ideya kung san kami matutulog sa Palawan nang mga panahon na yun ("madali na lang yun").
April 28, 2011 - ang ikalawang importanteng pangyayari para sa kaganapan ng paglalakbay na ito ay naganap. Medyo uso na ngayon yung mga kumpanya na nagbibigay ng mga discount vouchers sa iba't ibang produkto at serbisyo. Isa sa mga ganun (metrodeal.com.ph) ang nag-offer ng 3 days, 2 nights stay sa Hotel Centro sa Puerto Princesa, for 40% off. May kasama pa itong Underground River tour! Kaya sige! Sugod! Bumili na rin ng voucher. Wala kami alam sa Hotel Centro nun, nakita lang namin sa pictures sa website nila na maganda dun hehe. Ang ni-set namin na date ng aming Palawan trip ay July 1,2, at 3. Para bertdey celebration ko daw. Pagkatapos namin makapagpa-book sa PAL at makapagpa-reserve sa Hotel Centro eh saka ko lang naisip na sana sa 22nd 22nd ata mas maganda ang ganitong bakasyon. Pero ok na rin daw dahil may okasyon pa rin naman.
Habang papalapit ang mga araw ay pa-excite ng pa-excite, lalo na nung pina-publicize na ng Hotel Centro ang mga facilities at mga events na nagaganap sa lugar nila. Makalipas ang dalawang buwan ng paghihintay, dumating na ang araw ng aming paglipad...
To be continued...
No comments:
Post a Comment