Sa wakas ay dumating na ang araw. It's time to invade Palawan! Hehe. Pagkalipas ng previous night ng pag-iimpake ng aming mga color-coded na isusuot, gumising ng maaga para pumunta sa airport. 8AM ang flight pero since mga first timers kami sa paglipad, eh sineryoso namin yung 2 hours before eh dapat nakapag-check in na sa airport. Medyo na-late ako ng konti dahil sinigurado kong walang laman ang tiyan ko hehe. Mahirap na, baka sa himpapawid abutin. Nagkita kami ni Pareng Leslie at sumakay ng Green Star bus. Pagbaba namin sa Magallanes ay nag-taxi kami papuntang NAIA Centennial Terminal 2. At dun namin naranasan ang mga buwayang taxi driver na siningil kami ng P300 para sa 10-minute travel papuntang airport.
|
Yes naman! Hehe. |
|
"Malapit na tayo lumipad!?" |
Nakarating na kami sa airport. Bandang 6:30AM pa lang nun. Diretso kami agad sa loob ng terminal. At... hehehe... hehehehehehe... nagkalat ng katangahan ang dalawang turistang ito (wag na lamang natin banggitin ang kanilang mga pangalan). Yung isa eh todo basa sa poster sa may pintuan na naglalaman ng instructions. Yung isa naman ay magabayad na agad ng terminal fee, kung saan agad syang itinuro kung saan muna dapat pupunta. At pagkatapos ng mga yun, yung isa naman ay nagpakatanga na naman sa pagpapa-X-ray ng mga gamit. Ayun, pinabalik pa at pinatanggal ang sandals. Hehe. Pero pagkatapos nun ay petiks na kami habang naghihintay sumakay ng eroplano. Mahigit isang oras pa, kung kaya:
Picture picture muna! Brought to you by sariling-sikap-sa-pagsetup na camera. Hehe.
Sa wakas ay dumating na ang eroplano at panahon sa pagsakay. Ooooooooh! Inosenteng inosente ako, hanggang sa pag-fasten ng seatbelts. Si Pareng Leslie ay nasa may bintana, at ako naman sa tabi nya. Nakikita namin ang mga lumilipad na eroplano kanina, at eto malapit na rin kami. Yaiks! Seryosong seryoso pa ako sa pagbabasa nung instruction booklet, lalo na yung gagawin pag may emergency hehe. Mabuti na yung handa ka at alam mo ang gagawin sa lahat ng sitwasyon. Habang naghihintay lumipad, syempre may picture!
|
Kasama pa si Mr. Foreigner Dude |
Maya maya ay marahang gumalaw na ang eroplano namin papunta sa runway. Makalipas pa ang ilang minuto ng mga instructional videos, may boses na nagsalita. "Cabin crew, prepare for takeoff!" Tantananaaaan! Dis is it! Lilipad na kami! Walang anu ano'y biglang nag-fire up na yung engines (na katabi lang namin) at bigla na lang bumulusok ang eroplano. Dikit kami sa mga sandalan ng upuan eh. Tapos kita mo sa bintana na ang bilis ng takbo namin. Pero ang galing! Cool! Eto yung pinaka-nagustuhan sa plane ride hehe (pati yung landing, pero mamaya na yun). Maya maya pa ay sumahimpapawid na kami.
|
AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! |
Syempre naaliw kami sa view! Ang galing! Ang ganda! At kita pa namin ang Mt. Makiling! At tumawid kami ng Laguna de Bay! Wooooooh! Ok, tama na. Nagmumukhang tanga na naman ako. Nag-eenjoy pa kami sa view nang biglang tumagilid ang eroplano! Hindi inaasahan ni Leslie na gumaganun pala. Akala eh straight at smooth lang ang biyahe. Ganun pala kapag lumiliko yung eroplano. Ako naman, di ko rin inaasahan yun pero iniisip ko na lang na...
|
Parang Ace Combat lang! Yeah! |
Mga 1 hour yung biyahe. Nanakit ang leeg ko sa kapipilit tumingin sa labas ng bintana para makita ang view. Lagpas lagpasan kami sa mga ulap, pero may mga pira-pirasong ulap pa rin na kapantay o mas mataas sa amin. Maya maya ay nagsalita uli ang mahiwagang boses. "Ladies and gentlemen, we have now begun our descent to Puerto Princesa City. The weather is warm, temperature is <nakalimutan ko>, and visibility is good. It was a pleasure having you with us.". Cool! Hehe. Ewan ko ba. Kahit medyo ninenerbyos kasi ako sa eroplano eh may fantasy ako na maging military pilot, kaya malakas ang fascination ko sa mga aircraft. Sayang walang picture, pero sa parteng ito unti unting sumusulpot ang mga isla ng Northern Palawan. Wala na yung walang hanggang dagat na tinatawid namin kanina. Kitang kita ang mga white beaches sa baba at ang green na green at fresh na fresh na mga kagubatan. Ang galing talaga ng nature! Hehe.
Maya maya pa ay umikot na naman ang eroplano, bumaba na kami sa cloud cover, at kita na namin ang Puerto Princesa port. Unti unti bumababa ang eroplano na para bang nagga-glide lang. Tubig pa rin yung tinatawid namin, pero nung malapit na ay eto na yung runway. Ang galing, katabi pala ng airport yung bay! Tapos eto na, nagbe-brace na ko para sa landing hehe. At nung sa wakas ay naka-touchdown na sa runway yung eroplano, woooh! Relief! Hehe. Soft lang naman paa yung landing. Nasa Palawan na kami! Hintay lang bago mag-disembark at pagkatapos nun ay naganap ang unang hakbang namin ni Leslie sa labas ng Luzon.
|
That's one small step for a man... |
Welcome to Puerto Princesa City!
|
Dahil ignorante kami, di tuloy kami nakapagpa-picture dito... |
No comments:
Post a Comment