Sunday, July 10, 2011

The Forest City - part 2


Previously:

Pala-One

Sa wakas ay nakarating na kami sa Puerto Prinsesa. Dire-diretso lang pala pagkababa ng eroplano. Pagkatapos mag-CR ay lumabas kami upang hanapin ang sunod ng hotel. Ang daming nag-aabang! May kanya-kanyang karatula na may mga pangalan ng hotel nila. Meron din mga lalakeng naka-chaleco ng blue na may nakasulat sa likod na "Porter". Kargador.
Sa wakas ay nakita na namin ang lalaking may hawak ng karatulang Hotel Centro. Aba! At siya'y naka-uniform! Proud na proud (feeling mayaman) kami dahil sosyal ang service namin! Hehe. 



Magalang sya at palaging nakangiti. Sinamahan nya kami sa van, nilagay sa likod ang mga gamit, at pagkasakay namin ay binigyan pa kami ng bottled water. Waw! Hintayin lang daw namin yung kasabay naming guest.

O ha!
At kami ay ni-drive na nya papunta sa hotel. Isa sa mga nakatawag-pansin sa amin sa mga tanawin dito ay ito:


Sino ba si Doc Gerry? Importante sa buhay mo na malaman ang kwento nya:

(Incidentally, please sign up dun sa no2mininginpalawan.com)

After 15-20 minutes of driving, nakarating na kami sa Hotel Centro! Feeling mayaman talaga kami! High-class eh. Hehe. I'll let the pictures do the talking:

Lobby habang nagche-check-in

Garden

Lobby. Kita sa may likod yung cafe.

Swimming pool!
May libreng "complimentary drink" pa kami (normal na iced tea lang naman). All this time, wala kaming maisip kundi super swerte namin sa discount na nakuha namin sa hotel na to. Hehe. Anyway, mga 10AM pa lang nun. 2PM pa pwede mag-check-in sa room. So pinaiwan na lang muna namin ang aming mga bag sa luggage room. Nagtingin-tingin muna kami sa paligid-ligid ng hotel. Eventually, napadpad kami sa poolside area kung saan ano pa ba ang pwedeng gawin kundi:

Matulog!
Hehe. Acting lang yan. Pero sobrang nakakaantok sa lugar na yun. Pwede kang mahiga lang kung saan samantalang may music salamat sa mga speaker na naka-disguise na bato sa paligid ng pool. Dito kami nagpalipas ng oras hanggang lunch.

























Ayan, bida pa ang mayabang na bagong laptop ni Leslie. Hehe. Nang dumating na ang tanghali, kami ay lumabas para makahanap ng makakainan.

Daily tricycle shot #1
Kami ay nagtanong sa manong drayber kung saan ang recommended na kainan at kami ay dinala nya sa isang lugar na tinatawag na Kalui. Kung saan isa itong seafood restaurant na bawal ang anumang panyapak. Ow yes, naka-paa lang ang lahat.

Dyan muna kayo...
Dahil ito ay isang seafood restaurant, ako'y nagtaka kung may makakain ba ako dito.

Parang ganito.
Umorder na lang kami ng kung ano ang sa tingin namin ay tatanggapin ng mga sikmura namin. Sea Catch Tempura (tempura-style na hipon, squid, at talong), Tubbattaha Salad (hilaw na tuna... hilaw... hilaw... HILAW! di namin agad nabasa yung parte na yun!). Ayun. Sinasabi nilang isa ito sa mga pinakamasarap kainan, pero para sa dalawang turistang ito, the following pictures say it all:



Buti na lang may Mango Juice na hindi kami binibigo.

Makalipas ang least-satisfying 700 pesos namin (ko! ako lang pala ang gumastos dahil libre ko nga pala si Leslie dahil sa promotion ko!), kami ay naglakad-lakad sa labas at nag-grocery ng mga kakailanganin namin sa Underground River trip kinabukasan. Alcohol, off lotion, baon na fudgy bar, tubig, at mga gamot at band-aid. Bumalik kami sa hotel dahil pwede na mag-check in. Ayun, pinaakyat na kami. Ang binigay na susi ay... card? (Pasensya na, inosente eh). Kung saan yun din ang paraan para magka-kuryente sa loob ng kwarto. At ang kwarto!





Actually pauwi na kami sa mga picture na to, kaso wala ako makita na picture ng kwarto nung first day eh. May malaking LCD na TV! May electronic na safe para sa mga importanteng gamit pag aalis ng kwarto. Kumpleto ang gamit sa banyo. And so on. Waw ulit. Matapos mamangha, mag-ayos ng gamit, at magrelax-relax sa TV at intarnets via WiFi, kami ay nakatulog pareho dahil sa antok at pagod. 

... zzzzz

Gabi na pala. Dahil nanghihinayang pa rin kami sa 700 sa Kalui,nagtipid tuloy kami. Lumabas ako at naglakad ng konti at bumili ng Lucky Me Supreme sa isang tindahan. Hehe. Pero da best naman! Sarap humigop ng mainit na sabaw sa malamig na hotel room. Hehe. Matapos ang simpleng dinner, bumaba na kami upang mag-SWIMMING!!!

Sa kasamaang palad, medyo umuulan. Pero hindi ito hadlang para mag-picture!









Ang sarap mag-swimming! Medyo malalim yung dulo nung pool. May jacuzzi, pero di naman ganun ka-espesyal. Sa paglangoy langoy at pagpi-picture, sinukit namin hanggang sa pinapaalis na kami (hanggang 10PM lang pwede mag-swimming). Kung kaya't nag-shower na kami at bumalik sa room kung saan maya maya ay nagpahinga na kami. Sapagkat may malaking adventure kinabukasan...

To be continued...

No comments:

Post a Comment