Sunday, July 10, 2011

The Forest City - last part

Previously:


Hanggang sa Muli

Ang ikatlo at huling araw namin sa Palawan ay nagsimula sa isa ulit LAMON breakfast. Sa totoo lang, mula nung ma-experience namin to the previous day ay excited na kami mag-breakfast ulit kinabukasan. Hehe. Pagkatapos namin ma-bondat ay umakyat na kami ulit sa kwarto upang mag-ayos ng gamit. 12 ng tanghali kasi ay dapat naka-check out na kami or else bayad kami ng penalty. Medyo nagtalo pa kami sa plano ng gagawin at kung anong oras magsisimba. Pero in the end, ang nangyari ay nag-impake na kami at nilinis ang kwarto bago kami umalis para magsimba sa katedral ng 10AM.



The Forest City - part 3

Previously:
The Forest City - part 0
The Forest City - part 1
The Forest City - part 2


To the Batcave!


Second day sa Palawan. Maaga kaming gumising dahil 7AM daw ang pick-up time nung van na maghahatid samin dun sa Underground River. Pero in typical fashion, late kami sa sarili naming schedule hehe. Nakababa kami eh 7AM na. Supposedly dapat mga 6:30 yun, kasi mag-breakfast pa kami. Ayun, wala pa naman yung van, so nag-proceed kami dun sa Expressions Cafe ng Hotel Centro upang matunghayan ang isang kapiraso ng langit...



The Forest City - part 2


Previously:

Pala-One

Sa wakas ay nakarating na kami sa Puerto Prinsesa. Dire-diretso lang pala pagkababa ng eroplano. Pagkatapos mag-CR ay lumabas kami upang hanapin ang sunod ng hotel. Ang daming nag-aabang! May kanya-kanyang karatula na may mga pangalan ng hotel nila. Meron din mga lalakeng naka-chaleco ng blue na may nakasulat sa likod na "Porter". Kargador.
Sa wakas ay nakita na namin ang lalaking may hawak ng karatulang Hotel Centro. Aba! At siya'y naka-uniform! Proud na proud (feeling mayaman) kami dahil sosyal ang service namin! Hehe. 


Friday, July 8, 2011

The Forest City - part 1

Previously:
The Forest City - part 0


The Take-off

Sa wakas ay dumating na ang araw. It's time to invade Palawan! Hehe. Pagkalipas ng previous night ng pag-iimpake ng aming mga color-coded na isusuot, gumising ng maaga para pumunta sa airport. 8AM ang flight pero since mga first timers kami sa paglipad, eh sineryoso namin yung 2 hours before eh dapat nakapag-check in na sa airport. Medyo na-late ako ng konti dahil sinigurado kong walang laman ang tiyan ko hehe. Mahirap na, baka sa himpapawid abutin. Nagkita kami ni Pareng Leslie at sumakay ng Green Star bus. Pagbaba namin sa Magallanes ay nag-taxi kami papuntang NAIA Centennial Terminal 2. At dun namin naranasan ang mga buwayang taxi driver na siningil kami ng P300 para sa 10-minute travel papuntang airport.

The Forest City - part 0

No, not this one.
Ang tinutukoy ko ay ang lungsod ng Puerto Princesa sa lalawigan ng Palawan. Matagal na ako interesado sa Palawan dahil sa mga nakikita ko sa TV at intarnets na mga kagubatan at karagatan at mga hayop at halaman dito. Sabi nga nila, Last Frontier na daw ng Pilipinas ang Palawan dahil ito na lang ang hindi pa natitirhan ng malawakan. (At di ko maintindihan kung bakit pag naririnig ko ang "Palawan" ay ang naiisip ko ay... pawikan). Dahil sa mahilig ako sa nature (kahit takot sa dagat), eh Palawan talaga ang gusto ko marating sa Pilipinas. Isang araw, natupad ang pangarap ng yun dahil sa isang mala-tadhanang pangyayari. 
*sound effects*