Hanggang sa Muli
Ang ikatlo at huling araw namin sa Palawan ay nagsimula sa isa ulit LAMON breakfast. Sa totoo lang, mula nung ma-experience namin to the previous day ay excited na kami mag-breakfast ulit kinabukasan. Hehe. Pagkatapos namin ma-bondat ay umakyat na kami ulit sa kwarto upang mag-ayos ng gamit. 12 ng tanghali kasi ay dapat naka-check out na kami or else bayad kami ng penalty. Medyo nagtalo pa kami sa plano ng gagawin at kung anong oras magsisimba. Pero in the end, ang nangyari ay nag-impake na kami at nilinis ang kwarto bago kami umalis para magsimba sa katedral ng 10AM.
Daily tricycle shot #3 |
Medyo late na kami sa misa, pero sige nagsimba na lang kami sa kung ano ang inabutan namin. Ang katedral nila ay halos kasinglaki lang ng parish church namin. Kunsabagay, mas konti lang naman ang tao dito sa Palawan. Napansin lang namin na ang mga tao ay hindi nagpa-participate sa misa. Hindi kumakanta. At pinababayaan ang mga bata na maglaro at humilata sa gitna ng simbahan sa kalagitnaan ng misa. Kung andito siguro napa-assign si Koya , mamumuti buhok nun. Hehe.
Pagkatapos ng misa ay agad kaming bumalik ng Hotel Centro para kunin ang aming mga gamit at mag-check out. Hay. Paalam na pang-mayamang kwarto na inuwian namin ng tatlong araw :(
And so, nag-check out na kami. Malungkot pero masaya rin dahil ganun ganun lang, wala kami binayaran (nauna na yung bayad namin). Hehe. 4PM pa yung airport transfer namin kaya pinatago muna namin yung mga gamit namin at pumunta kami sa bayan ulit para mamili ng pasalubong. Ang pasalubong namin sa tatlumpong tao ay mga tsinelas. Na keychain. Plus iba't ibang bagay para sa mga pamilya namin. Wala na naman kakaibang nangyari, bukod sa magandang tshirt na nabili ko. Hehe. Ah at saka live from Palawan ay sinubukan namin ayusin pa rin ang pa-despedida kay Karen sapagkat parang walang pakialam ang ibang mga tao. Kumain kami sa Shakey's at bumalik sa Hotel Centro ng bandang 3PM. Dahil 1 hour pa ang hihintayin bago kami ihatid sa airport...
GO PRE!!! Hehehe. Napagtripan na lang namin yung gym equipment.
Sa wakas ay dumating na ang oras para ihatid kami sa airport. Yung mabait nilang staff na sumundo samin sa airport ang naghatid uli samin. At ang bait pa rin nya. Kaya nga sya ang ni-commend namin sa evaluation sheet ng Hotel Centro. Hehe. After ng check in sa Puerto Princesa Airport, naghintay kami ng more than 1 hour. Naghihintay na kami dun sa airport nang i-announce na kaaalis pa ang ng Maynila nung eroplano na sasakyan namin pabalik. Hehe.
Nung sa wakas ay dumating na ang eroplano, bago sumakay ay ginawa na namin ang hindi namin nagawa nung first day dahil sa katangahan. Ang mag-picture sa harap ng Puerto Princesa Airport!
Woohoo!
At sumakay na kami ng eroplano.
Pag-akyat namin sa hagdan ay tumutulo ang aming mga luha. Paalam, Palawan. Hanggang sa muli :( May dahilan pa naman kami para bumalik dahil di pa kami nakapag-Honda Bay tour. Hehe. Malapit na dumilim nun. Na-experience ko ulit yung thrill nung pag-take off, at dahil sa ako naman ang nasa bintana ngayon ay kitang-kita ko ang view. Lumipad kami patungong karagatan, at pagkalipas ng ilang minuto ay lumiko na kami patunong Maynila. Paakyat kami ng paakyat papunta at palagpas sa mga ulap. Mas mataas ang lipad namin ngayon kesa nung papunta kami. 33,000 ft, samantalang 32,000 lang nung papunta kami. Nakita ko mula sa himpapawid na ang Puerto Princesa "city", yung bayan na napuntahan namin, ay isang maliit na parte lang sa may dalampasigan. Yun lang kasi yung puro ilaw. The rest ay kagubatan na. Talagang ang Palawan ay di pa rin talaga nagagalaw at nasisira ng tao. Sana ay manatiling ganun.
Ang biyahe pa uwi ay mas rough na kaunti kesa sa nung papunta kami. Mas madalas at mas malakas ng konti ang turbulence, at yung piloto ay mahilig ng mga steep dives at sharp turns. Kahit na nae-enjoy ko ang paglipad eh pinagpapawisan yung palad ko. Hehe. Samantalang si Leslie ay natutulog sa tabi ko. Nakakaaliw ang view sa baba. Dagat lang sya pero kitang kita ang ilaw ng mga barko na nasa laot. Sa left side naman ng eroplano (far side namin) ay lumulusot sa bintana ang mga huling sinag ng papalubog na araw. Sunset flight. Ang ganda. Lalo na nung palapit na kami ng Maynila. Ang malawak na dagat sa baba ay napalitan na ng lupa ng Luzon, at nagliliwanag na ang mga ilaw. Noong una ay medyo kakaunti pa dahil mga probinsya pa ang nadadaanan namin. Hanggang sa sumapit na kami sa Laguna de Bay. Kitang kita na ang marami at magagandang ilaw sa mga city. Ang galing! Eto sample:
Sayang at hindi gaano nakukuha ng camera. Pero ang ganda sa personal. Yung mga matagal nang sanay sa eroplano pinagtatawanan na siguro kami ngayon. Pero first time nga lang namin maka-experience ng ganun at pinahahalagahan namin ang bawat segundo. May nakita pa kami na oval-shaped building na super liwanag. Mukha siyang track and field stadium. Di kasi namin alam kung saang area yun eh, kaya di namin alam kung ano sya.
Kitang-kita namin ang mga highway. Sabi ni Leslie, "Trapik ba pauwi?" Sabi ko, "Di ko alam, di ko ma-identify kung anong highway ito." May nakita kaming SM. Di namin alam kung saan. Base sa geographical na estimate ko kung nasan ang airport, ang alam kung malapit dun ay SM Bicutan, so ayun ang sabi ko. Eh maya maya nakita namin ang tunay na SM Bicutan (identified dahil sa dalawang magkahiwalay na building nito at ang katabing Skyway). Hanggang ngaon ay misteryo pa rin kung saan yung unang SM na nakita namin. Hehe.
Ilang saglit pa, palapit ng palapit yung mga ilaw hanggang sa lumapag na pala kami sa lupa. Whew! We're back! Pero hindi pa kami makababa dahil wala daw mapag-parkingan yung eroplano namin. Sa mga loading terminal ay kita namin ang mga mas malalaking pang-international na eroplano.
Naisip ni Leslie, ano kaya ang nararamdaman nung mga paalis ng bansa para magtrabaho sa iabng lugar na di alam kung kelan sila makakauwi uli. At the same time, anong saya kaya ang nararamdaman nung mga matagal nagtrabaho sa ibang bansa na sa wakas ay makakauwi na.
Nakababa nar rin kami ng eroplano. One last look sa sinakyan namin. Patuloy pa rin akong namamangha sa mga eroplano. At sa wakas ay nakatapak na muli kami sa Luzon. Malayo pa rin kami sa arrival area kaya't may shuttle na lang na naghatid sa amin doon. Nag-taxi na lang kami papuntang Makati kung saan kami sasakay ng bus pauwi. Grabe! 600 ang sinisingil samin nung isang babae! Dun na ang kami sa official airport taxi na kahit medyo may kamahalan (330) din eh mas safe naman. Pag dating sa EDSA ay nag-bus na kami pauwi. Hindi pa tapos ang araw dahil hahabol pa kami sa despedida ni Karen, pero sa ibang kwento na lang yun. Ang aming Palawan trip ay tapos na.
Sinusulat ko to ngayon isang linggo matapos ang bakasyon namin. Sobrang sayang experience nun para saming dalawa. First time mag-eroplano. First time magbakasyon ng ganun kalayo. At ang ganda ng hotel! At maganda ang mga karanasan. Pero higit sa lahat, masaya lahat yun dahil magkasama kami ni Pareng Leslie :D Hehehe. Totoo naman. Sobrang pasasalamat namin sa Diyos na nakauwi kami ng maayos, at syempre sa opportunity na makapag-bakasyon ng ganito. Pareho namin wish na someday eh maisama namin sa ganun kasayang bakasyon ang mga pamilya at malalapit na kaibigan namin. Pero sa ngayon, mag-ipon na muna kami para mabawi ang mga nagastos dun. Haha! Samantala on the lookout pa rin si Pareng Leslie sa mga discount para sa susunod na bakasyon...
The End
Ang biyahe pa uwi ay mas rough na kaunti kesa sa nung papunta kami. Mas madalas at mas malakas ng konti ang turbulence, at yung piloto ay mahilig ng mga steep dives at sharp turns. Kahit na nae-enjoy ko ang paglipad eh pinagpapawisan yung palad ko. Hehe. Samantalang si Leslie ay natutulog sa tabi ko. Nakakaaliw ang view sa baba. Dagat lang sya pero kitang kita ang ilaw ng mga barko na nasa laot. Sa left side naman ng eroplano (far side namin) ay lumulusot sa bintana ang mga huling sinag ng papalubog na araw. Sunset flight. Ang ganda. Lalo na nung palapit na kami ng Maynila. Ang malawak na dagat sa baba ay napalitan na ng lupa ng Luzon, at nagliliwanag na ang mga ilaw. Noong una ay medyo kakaunti pa dahil mga probinsya pa ang nadadaanan namin. Hanggang sa sumapit na kami sa Laguna de Bay. Kitang kita na ang marami at magagandang ilaw sa mga city. Ang galing! Eto sample:
Sampol! Sampol! Sampol! |
Kitang-kita namin ang mga highway. Sabi ni Leslie, "Trapik ba pauwi?" Sabi ko, "Di ko alam, di ko ma-identify kung anong highway ito." May nakita kaming SM. Di namin alam kung saan. Base sa geographical na estimate ko kung nasan ang airport, ang alam kung malapit dun ay SM Bicutan, so ayun ang sabi ko. Eh maya maya nakita namin ang tunay na SM Bicutan (identified dahil sa dalawang magkahiwalay na building nito at ang katabing Skyway). Hanggang ngaon ay misteryo pa rin kung saan yung unang SM na nakita namin. Hehe.
Ilang saglit pa, palapit ng palapit yung mga ilaw hanggang sa lumapag na pala kami sa lupa. Whew! We're back! Pero hindi pa kami makababa dahil wala daw mapag-parkingan yung eroplano namin. Sa mga loading terminal ay kita namin ang mga mas malalaking pang-international na eroplano.
Naisip ni Leslie, ano kaya ang nararamdaman nung mga paalis ng bansa para magtrabaho sa iabng lugar na di alam kung kelan sila makakauwi uli. At the same time, anong saya kaya ang nararamdaman nung mga matagal nagtrabaho sa ibang bansa na sa wakas ay makakauwi na.
Nakababa nar rin kami ng eroplano. One last look sa sinakyan namin. Patuloy pa rin akong namamangha sa mga eroplano. At sa wakas ay nakatapak na muli kami sa Luzon. Malayo pa rin kami sa arrival area kaya't may shuttle na lang na naghatid sa amin doon. Nag-taxi na lang kami papuntang Makati kung saan kami sasakay ng bus pauwi. Grabe! 600 ang sinisingil samin nung isang babae! Dun na ang kami sa official airport taxi na kahit medyo may kamahalan (330) din eh mas safe naman. Pag dating sa EDSA ay nag-bus na kami pauwi. Hindi pa tapos ang araw dahil hahabol pa kami sa despedida ni Karen, pero sa ibang kwento na lang yun. Ang aming Palawan trip ay tapos na.
Sinusulat ko to ngayon isang linggo matapos ang bakasyon namin. Sobrang sayang experience nun para saming dalawa. First time mag-eroplano. First time magbakasyon ng ganun kalayo. At ang ganda ng hotel! At maganda ang mga karanasan. Pero higit sa lahat, masaya lahat yun dahil magkasama kami ni Pareng Leslie :D Hehehe. Totoo naman. Sobrang pasasalamat namin sa Diyos na nakauwi kami ng maayos, at syempre sa opportunity na makapag-bakasyon ng ganito. Pareho namin wish na someday eh maisama namin sa ganun kasayang bakasyon ang mga pamilya at malalapit na kaibigan namin. Pero sa ngayon, mag-ipon na muna kami para mabawi ang mga nagastos dun. Haha! Samantala on the lookout pa rin si Pareng Leslie sa mga discount para sa susunod na bakasyon...
The End
No comments:
Post a Comment