Sunday, July 10, 2011

The Forest City - part 3

Previously:
The Forest City - part 0
The Forest City - part 1
The Forest City - part 2


To the Batcave!


Second day sa Palawan. Maaga kaming gumising dahil 7AM daw ang pick-up time nung van na maghahatid samin dun sa Underground River. Pero in typical fashion, late kami sa sarili naming schedule hehe. Nakababa kami eh 7AM na. Supposedly dapat mga 6:30 yun, kasi mag-breakfast pa kami. Ayun, wala pa naman yung van, so nag-proceed kami dun sa Expressions Cafe ng Hotel Centro upang matunghayan ang isang kapiraso ng langit...










Libreng Pagkaiiiieeeeeeeeeeeeen!!! Hehe. Libre ang breakfast! Kuha ka lang kung ano gusto mo, at ang dami pang pagpipilian. Mga ulam, cereals, salads, sari-saring tinapay, pancakes, waffles, sweets, orange juice, pineapple, juice, iced tea. Ahhh! This is life! Sabi namin. Hehe. Pagkatapos namin dagdagan ang mga bilbil namin, dumating na rin yung van. Off we go.


Ang biyahe papunta sa underground River involves a 2-hour van ride papuntang Sabang Wharf, kung saan sasakay kami ng bangka papunta sa shore sa may papuntang Underground River. Yung tour guide namin ay walang tigil sa kadadakdak. Ok lang yun, trabaho nya yun eh. Kaso may kasabay kami sa van na ibang grupo, at isa sa kanila, mga 50-year old na lalake, ay sobrang yabang bibo at kung anu ano pa ang sinasabi tungkol sa Palawan. Pa-bida effect. Gusto ata sya na lang ang maging tour guide. Hehe. Anyway, sobrang roller coaster nung biyahe! Grabe kasi yung mga daan. Ang sakit sa katawan. On the way ay marami kami nakitang magagandang tanawin kagaya nito:


Bundok na gawa sa limestone.
Nung kami ay nakarating na sa Sabang Wharf, tiningnan ko ang dagat. May nagsabi kasi sakin na nakakatakot daw. Sus! Exaggerated naman pala. Oo, mas malakas kesa sa normal ang alon (umuulan pa nun), pero sa size at yari nung bangka eh kayang-kaya naman. Plus di naman kami actually tatawid ng dagat kundi mamamaybay lang sa shoreline.







Sayang at medyo mabagyo noon. Di tuloy gaano makita yung ilalim ng tubig. May mga pawikan pa naman daw doon. At minsan eh dugong naman ang nakita. Saglit lang at nakarating na kami sa dalampasigan papunta sa Underground River.




Makalipas ang ilang pirmahan ng registration at waivers, naglakad na kami sa isang maiklng jungle trail papuntang Underground River entrance. Sa normal na araw (yung hindi bumabagyo), may mga gang daw ng unggoy na nagsisiga-sigaan dito. At mga bayawak na namamasyal na parang wala lang. Kaso wala kami nakita pareho kasi nga umuulan. Ilang minuto lang ay nasa entrance na kami ng Underground River. Suot ng life vest at helmet (anti-bat pupu) ay...


I'm serious...
Sumakay na kami ng bangka at pumasok na sa madilim na kweba.








Nakakamangha sa loob! Maraming mga ibon ang lumilipad samantalang ang mga paniki ay nananaginip pa. Ang galing ng mga rock formations sa loob. Meron parang dinosaur, parang isda, at meron din naman na mga kawangis nila Mama Mary at ng Holy Family dun sa area na tinatawag nilang "cathedral". Mataas kasi ang ceiling dun na mukang dome ng katedral at andun nga etong mga bato na hugis santo. Subalit ang sumunod na malking area ay mas nakakamangha pa. Ang laki sa loob! Yung ceiling ng kwena ay 65 meters high daw. Woah. Ingat lang sa pagtingala dahil baka may pumatakna di kanais-nais. Yung bangkero ay joker kaya nakakalibang din. Sample:


Boatman Dude: Sa may gawing kanan nyo ay makikita nyo parang mukha ni Jesus Christ
Tourists: Ooooooh.
Boatman Dude: At dahil nakita natin si Jesus Christ, etong area na to na maraming tumutulo, yan po ay masasabi nating Holy Water.
Tourists: *tawa*
Boatman Dude: Pero pag medyo mainit ang pumatak sa inyo, yan ay Holy Shit
Tourists: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!


Whatever.


So sobrang pagkamangha, eh di namin namalayan na nalakbay na namin yung 1.5 kilometers na pwedeng lakbayin at pabalik na kami sa entrance. Kung saan ang naghihintay sa amin ay... more pictures!



Endorser ng mineral water
Ayun, tapos na ang Underground River tour. Ang galing talaga. Sabi nga nila, di mo masasabing nabisita mo na ang Palawan kung hindi ka pa nakakarating dun sa Underground River.


Habang hinihintay namin yung bangka pabalik, meron kaming nakita sa bandang gubat.


"Hello!"
Hindi naman yun, pero isang descendant nya. Isang bayawak! Na feeling artista. Nung madaming nagpi-picture sa kanya eh nakatambay lang sya sa isang lugar at padila-dila lang at pawasi-wasiwas ng buntot. Aba, nung tapos na mag-picture ang lahat at di na sya pinapansin ay saka umalis at nagtago sa kagubatan!


O HAI!
Ayun, pagkatapos nun eh bumalik lang kami sa van, kumain ng tanghalian, plus another 2-hour-na-humaygad-ang-sakit-sa-katawan na biyahe. Kung kaya naman pagkabalik namin sa hotel ng mga 3PM ay agad akong nakatulog. (Habang si Leslie ay nagpe-peysbuk at may binabalak pala). At nakabili nga pala si Leslie ng treasure. Hehe. Tanong nyo na lang sa kanya kung ano yun.


Nang magising ako eh nag-ayos na kami at pumunta sa bayan para mag-dinner.


Daily tricycle shot #2
Kumain kami sa isang lugar na tinatawag na Heavenly ----------. Nakalimutan namin kung ano yung pangalan. Basta may Heavenly! At ang mahalaga ay pinawi nito ang Kalui Nightmare. Picture!







Hulaan nyo kung kaninong pagkain to.
Ahhh busog na naman! May blueberry shake at mango crepe pa pagkatapos. Bumalik na kami sa hotel pagkatapos upang makapag-picture ng ganito:








Sabi ni Leslie na sa tuwing darating kami sa hotel, eh di nya maiwasan na makaramdam na, "Wow! Eto ang hotel namin!" Sobrang angat na angat compared sa ibang accomodation sa Puerto Princesa. Pagka-akyat sa kwarto, maya maya ay bumaba kami upang magpa-spa. Kasama ito sa package namin. First time namin na magpa-masahe, at masarap pala ito! Hehe. Naririnig ko nga lang si Leslie sa kabila na sinasabihan yung masahista na wag diinan masyado dun sa mga lugar na nakikiliti sya. Haha. Ayun, sa sobrang sarap magpamasahe... nakatulog ako! Bangenge! Nagkamalay ako na naririnig kong, "Sir? Sir, tapos na po." Owsyet nakakahiya. Haha. Maganda yung ambience nung lugar. Nakaka-relax talaga ang sights, sounds, and smell nung lugar. Sa kasamaang palad, dun ata namin naiwala yung cover nung camera ni Leslie. Aww. Sayang.


Matapos magpamasahe, tapos na ang mga activities namin sa 2nd day. Kaya't umakyat na sa kwarto upang magpahinga. But first!


Ang

donya

ng

hagdanan.


Room 429. Dyan kami. Pero, natatae ka ba pre?
Day 2 complete. Good night.


To be continued...

No comments:

Post a Comment